Kamakailan ay naglabas ng pahayag ang GMA-7 na
nagpapasalamat sa mga taong tumatangkilik sa kanilang istasyon dahilan upang
sila’y maging “Double No. 1” (GMA-7 at GMANews TV-11).
Naturalmente, may mga taong nagtataas ng kilay at hindi
sumasang-ayon dito. Bakit ‘ka mo? Kasi karamihan sa mga nanonood sa Metro
Manila (MM) ay mga programa ng ABS-CBN ang kanilang tinatangkilik.
ABS-CBN2 vs. TV5 vs.
GMA-7
Kung susuriin mong mabuti ang sinasabi ng Siyete, ito ay
pumapatungkol sa PANGKALAHATANG Audience
Share (AS) o yung mga manonood. Tama naman sila roon. Kung ikaw ay kumukontra
sa sinabi ko, narito ang ilang katanungang dapat mong sagutin sa iyong sarili:
- Maraming nanonood ng Dos sa MM, eh paano ang ibang panig ng bansa? Ang ilang bahagi ng Luzon? Vizayas? Mindanao?
- Kahit saan ka magpunta, malinaw ang signal ng Siyete kaysa Dos at Singko. Hindi ba? Bakit ganoon?
- Dahil nga malakas ang signal ng Siyete, sa mga walang Cable, alin ang mas panonoorin na lamang nilang mga programa?
- Sa panahon ngayon, humahabol ang TV5. Ano ang ibig sabihin noon?
Narito naman ang hindi gaanong detalyado ngunit pinag-isang
sagot para sa mga katanungan.