Saturday, March 24, 2012

The Truth: Ang mga Santo ng Katoliko


Personal na Karanasan
Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, inaabangan namin ang araw ng Pista ng Itim na Nazareno.

Deboto kami ng Itim na Nazareno pero hindi kami tulad ng iba na sumusunod pa sa prosisyon, nakikipagbalyahan, nakikipagsipaan at kung anu-ano pa para lang makahalik at makapagpunas ng panyo. Mahirap na dahil mahirap ang buhay ngayon, mahirap magpagamot.

Ang ginagawa namin, sa gabi kami pumupunta, kung kailan malapit nang maibalik ang Poon sa simbahan ng Quiapo. Magsisimba kami, magdarasal at hihintaying makapasok ang Poon.

Ganito taun-taon ang ginagawa namin. Kasi hindi lang naman sa araw na iyon kami maaaring makahalik sa Poon, kahit araw-araw ay pwede. Hindi kailangang makipagtulakan at makipagbalyahan.

Ang ISYU tungkol sa mga SANTO
Isa lang ang Itim na Poong Nazareno sa aming hinahalikan o pinupunasan ng panyo. Maging ang ibang imaheng santo ni Jesus o ang Sto. Niño ay ginagawan namin nang ganoon. Siyempre, KATOLIKO kami eh.

Pero, MAY ILANG RELIHIYON, ilang TAO o grupo ng mga tao ang KUMUKWESTIYON sa ginagawang ito ng mga Katoliko. Ayon daw sa Bibliya at maging sa Sampung Utos ng Diyos, IISA lamang ang DIYOS kung kaya’t HINDI maaaring SANTUHIN ang IBA; HINDI dapat GUMAWA ng DIYOS-DIYOSAN.


The Ugly Truth: Bakit “No.1” ang GMA7?



Kamakailan ay naglabas ng pahayag ang GMA-7 na nagpapasalamat sa mga taong tumatangkilik sa kanilang istasyon dahilan upang sila’y maging “Double No. 1” (GMA-7 at GMANews TV-11).

Naturalmente, may mga taong nagtataas ng kilay at hindi sumasang-ayon dito. Bakit ‘ka mo? Kasi karamihan sa mga nanonood sa Metro Manila (MM) ay mga programa ng ABS-CBN ang kanilang tinatangkilik.

ABS-CBN2 vs. TV5 vs. GMA-7
Kung susuriin mong mabuti ang sinasabi ng Siyete, ito ay pumapatungkol sa PANGKALAHATANG Audience Share (AS) o yung mga manonood. Tama naman sila roon. Kung ikaw ay kumukontra sa sinabi ko, narito ang ilang katanungang dapat mong sagutin sa iyong sarili:

  1. Maraming nanonood ng Dos sa MM, eh paano ang ibang panig ng bansa? Ang ilang bahagi ng Luzon? Vizayas? Mindanao?
  2. Kahit saan ka magpunta, malinaw ang signal ng Siyete kaysa Dos at Singko. Hindi ba? Bakit ganoon?
  3. Dahil nga malakas ang signal ng Siyete, sa mga walang Cable, alin ang mas panonoorin na lamang nilang mga programa?
  4. Sa panahon ngayon, humahabol ang TV5. Ano ang ibig sabihin noon?

Narito naman ang hindi gaanong detalyado ngunit pinag-isang sagot para sa mga katanungan.