Personal na Karanasan
Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, inaabangan namin ang
araw ng Pista ng Itim na Nazareno.
Deboto kami ng Itim na Nazareno pero hindi kami tulad ng iba
na sumusunod pa sa prosisyon, nakikipagbalyahan, nakikipagsipaan at kung
anu-ano pa para lang makahalik at makapagpunas ng panyo. Mahirap na dahil
mahirap ang buhay ngayon, mahirap magpagamot.
Ang ginagawa namin, sa gabi kami pumupunta, kung kailan malapit
nang maibalik ang Poon sa simbahan ng Quiapo. Magsisimba kami, magdarasal at
hihintaying makapasok ang Poon.
Ganito taun-taon ang ginagawa namin. Kasi hindi lang naman
sa araw na iyon kami maaaring makahalik sa Poon, kahit araw-araw ay pwede.
Hindi kailangang makipagtulakan at makipagbalyahan.
Ang ISYU tungkol sa
mga SANTO
Isa lang ang Itim na Poong Nazareno sa aming hinahalikan o
pinupunasan ng panyo. Maging ang ibang imaheng santo ni Jesus o ang Sto. NiƱo
ay ginagawan namin nang ganoon. Siyempre, KATOLIKO kami eh.
Pero, MAY ILANG RELIHIYON, ilang TAO o grupo ng mga tao ang
KUMUKWESTIYON sa ginagawang ito ng mga Katoliko. Ayon daw sa Bibliya at maging
sa Sampung Utos ng Diyos, IISA lamang ang DIYOS kung kaya’t HINDI maaaring
SANTUHIN ang IBA; HINDI dapat GUMAWA ng DIYOS-DIYOSAN.
TAMA naman iyon! Ngunit HIGIT sa HALIK at PAGPUPUNAS ng
PANYO sa mga SANTO ang KAHULUGAN ng ginagawang iyon ng mga Katoliko.
Paliwanag at
Kasagutan sa mga Katanungan
Ang SANTOng kanilang sinasabi ay isa lamang larawan o
imaheng maituturing. Hindi ba’t noong UNANG PANAHON ay WALA pang KAMERA o picture taking? WALA pa rin naman ang
PAGPIPINTA o PAGGUHIT. Ngunit mayroon nang PAGLILILOK.
- Dahil paglililok pa lamang ang mayroon noon at NAIS ng mga TAO noon na MAGKAROON ng imahe ang Panginoon upang MAGSILBING GABAY ng mga SUSUNOD na HENERASYON, naglilok sila ng Santo na kawangis at NAAAYON sa DESKRIPSYON ng BIBLIYA.
- Narinig nyo na ba yung sinasabing “Kapag ba nagsasalita mag-isa, baliw na agad? Di ba pwedeng nagdarasal lang muna?”? KUNG wala ang mga santo, saan o paano sa palagay ninyo kayo magdarasal? Bubulong sa hangin?
- At dahil nagsisilbi ngang IMAHE ang SANTO, ipinagpapalagay mo na rin na KAHARAP mo lang ang KAUSAP mo – ang PANGINOON. Hindi ba’t MAS MAGANDA na may nakikita kang PISIKAL NA ANYO sa harapan mo na para ba talagang may kinakausap ka kaysa wala?
- Sa paglipas ng panahon, sa pagdating ng mga papel at lapis, gayundin ang kamera, naDAGDAGan na ang mga Santong ito; may mga larawan nang iniimprenta pero hindi isinasantabi ang mga santong nililok bagkus ay nadaragdagan pa – ito ay dahil sa nakagawian na ng lahat at sa mga kadahilanang aking nabanggit sa itaas.
Maibahagi ko lang na may napanood akong isang programa sa
telebisyon, sabi ng isang na-interview “Kung
wala ang kahoy na ‘yan, hindi mo malalamang may Diyos.”
Pananaw
Tayo ay hindi iisa ang RELIHIYON gayong tayo ay NANINIWALA
na MAY DIYOS. Tayo ay HINDI DAPAT BUMABATIKOS, KUMEKWESTIYON, AT NANLILIBAK sa
kung papaanong paraan isinasabuhay ang pananampalataya at debosyon ng isang
indibidwal bagkus ay NARARAPAT na MATUTO tayong LAHAT na RUMESPETO at IGALANG
ang KAUGALIAN at KASANAYAN ng bawat kasapi ng isang RELIHIYON.
Sa huli, ang PANINIWALA at PANANAMPALATAYA sa DAKILANG LUMIKHA
ang HIGIT na MAHALAGA; at ang PAGTALIMA sa Kanyang kagustuhan. Susunod ang
pakikipagkapwa-tao at paggawa nang mabuti habang tayo ay nabubuhay sa mundong
ito.
(First published at pontificatephils
on January 14, 2012 at 12:05 AM)
No comments:
Post a Comment