Monday, September 3, 2012

Today’s Teleseryes: An Analysis


Napakahilig talaga ng mga Pinoy na manood. Nalilibang ang lahat sa mga panooring tulad ng teleserye; laging sinusubaybayan ang bawat kilos ng mga artistang gumaganap sa mga character sa story. Siguradong nagagalak ang puso ng manonood kapag nakababawi ang bidang matagal nang naapi. Sobra naman ang inis ng manonood kapag sobra na ang kasalbahihan ng nasa palabas.

Sa mga teleserye kong napanood mula pa noong bata ako hanggang sa ngayong malaki na ako (syempre sa aking pagkakatanda) ay kakaunti lang ang talagang tumatatak sa akin na maganda ang pagkakagawa. Tulad ng mga sumusunod (in no particular order):

  1. Kay Tagal Kang Hinintay – pinagbidahan ni Ms. Lorna Tolentino
  2. It Might Be You – pinagtambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz
  3. Amaya – si Marian Rivera ang bida
  4. Budoy – bida si Gerald Anderson
  5. Munting Heredera – tatlong batang babae ang nagbida rito
  6. 100 Days to Heaven – punum-puno ng moral values na pinagbidahan nila Ms. Connie Reyes, Xyriel Manabat, at Ms. Jodie Sta. Maria
  7. One True Love – kasalukuyang pinalalabas sa telebisyon na pinagtatambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes

Problems observed

  1. Bida-Kontabida Api System – this is the most common scenario in every teleserye. Pahihirapan muna nang todo-todo ng kontrabida ang bida, as in pati yung mga manonood ay sobrang naiinis na, hindi lang sa kontrabida kundi pati na rin sa bida dahil sobrang api-apihan na parang hindi s’ya marunong lumaban, maaawa ka na nga sana kaso sa sobrang awa, napapalitan na ito ng pagkayamot dahil walang magawa ang bida

  1. Sexual Content – gustung-gusto raw ito ng mga Pinoy pero dapat kasi laging isinasaalang-alang ang mga batang manonood, baka mamaya gayahin nila yung mga ganun (kaya siguro maraming naitatalang kaso ng mga batang ‘nagyayarian’ kapapanood ng mga ganung klaseng teleserye).

Tingnan mo mga palabas ng Korea na ipinalalabas dito sa ating bansa, wala namang masyadong ganun, kaya gandang-ganda ang marami sa ating mga kababayan ng kanilang mga kwento. Bakit sa atin? Hindi ba gaganda ang kwento kung walang ganun? Matututunan at matututunan din ng mga bata yang halikan na yan – pero sa TAKDANG PANAHON, hindi na nila kailangan makita sa TV yan; siguradong gagawin din nila yan paglaki nila kasi kusa na ang katawan nila ang mag-uudyok sa kanila nyan PAGLAKI NILA (paulit-ulit)



  1. Violence – isa pa ito sa ginagaya ng kabataan ngayon, kapapanood ng TV puro  awayan, sabugan, patayan, at kung anu-ano pang karahasan. Marami nang naitalang kaso ng juvenile delinquency at iyan ay dahil sa ganyan. Ginagaya nila kasi akala nila tama, at kahit na alam nilang mali ginagawa pa rin kasi gusto lang talaga nila gayahin yung nasa TV na syang nahahanapan nila ng kasiyahan.

  1. Unrealistic actions within a certain situation – ito naman yung mga scenario na nakakapagpainit ng dugo.

Isang magandang halimbawa rito ay yung TITIGAN BLUES. Meron ba namang tinatanong tapos hindi sasagot, titingin sa iba, makikipagtitigan? Minuto yata ang binibilang bago sumagot. Yan kasi ang paraan ng mga director para mai-cut ang scene for commercials. Wala bang ibang paraan? Hindi ba mapuputol ang eksena nang hindi na nagtititigan at mabagal ang pagsagot sa tanong?

  1. Exaggerated Drama – isa pa raw sa gusto ng mga Pinoy ay yung drama. Well, totoo naman pero hindi yung sobra, naiiyak ka na biglang maaawa tapos mapapalitan na ng inis yung nararamdaman mo. Iba naman. As in dramang makatotohanan, yung tipong ‘kung ikaw ang nasa posisyon ng karakter, ano’ng gagawin mo?’ Ang drama naman ay hindi puro iyakan, basta makapagpapa-antig ng puso ng manonood, yun na.

Itigil na natin yung pagiging masyadong imaginative na kung saan-saan na napupunta ang storya. Kung ano lang yung totoo, yun dapat (pwera na lang kung fantaserye yan).

  1. Twists – tulad ng alam ng iba, ito yung parang pasabog sa storya na biglang magpapabago sa daloy ng kwento, pero kaka-twist nang kaka-twist pumapangit ang story ng serye, para bang wala nang maisip, basta ang nasa isip yata ay mapahaba lang ang kwento.

Suggestion(s)/Possible Solution

1. Mas tataas siguro ang rating at kakagatin talaga ng manonood ang teleserye kung MABILIS ang PHASING ng story, meaning ang flow ng storya ay diretso, yung tipong ‘ito ang pwedeng maganap sa ganitong situation in real life’ dapat walang paliku-liko para lang mapatagal yung kwento, dapat walang masyadong hindrance sa mga bagay-bagay. In short, dapat makatotohanan. Ibigay ang gusto ng manonood (syempre nang hindi rin nako-compromise ang suspense parts)

2. Kung babawasan lang nila ang sobrang karahasan, mas gaganda at gagaan ang kwento. Kasi kung napakabigat sa dibdib nung kwento, magsasawa nang manood ang tao, parang ‘yung My Beloved.

On Remakes

Kapag ang teleserye noon ay ginawan ng remake ngayon, it means naging very successful ito noon,” sabi ni Dingdong Dantes.

Syempre depende rin yan. Successful nga noon, ang tanong magiging successful din ba ngayon? Maganda lang talaga ang pagkaka-portray ng actors sa characters noon, eh pano yung ngayon? Kung hindi malagpasan o mapantayan man lang, paano na? Eh di pahiya lang sa dating production team?

Saka para namang wala nang mapiga sa utak ng writers kapag ganyan. Marami namang kwento ryan na pwedeng maisip, puro copycat na lang ba ng theme at format? Kahit pare-pareho na lang ang tema ng kwento ngayon, basta nabigyan nila ng ibang atake, ibang twists, at nabigyan ng justice ang bawat character at pati ang mismong kwento, ok na yun, swak na yun.

Final Notes

Anumang aking nabanggit ay isang pag-aanalisa base na na-o-obserbahan.

Kung ikaw ay naiinis, nasa sa iyo yun, pero mas maganda na i-convert ang inis na yan sa positibong pamamaraan. Hindi ba’t ang talagang layunin ng mga panoorin ay makapagbigay aliw at aral sa mga manonood? Pwes, nararapat lang na magbigay ng TAMANG kasiyahan at satisfaction sa audience upang magkaroon din naman ng magandang bunga at pagpupuri sa ginawa.

Oo nga’t malaya tayo sa gusto nating gawin kung kaya kung ano ang maisipan ay inilalagay sa panoorin at ikino-consider ang mga katagang “Salamin ng buhay ang kwentong napapanood sa telebisyon” – pero syempre depende pa rin, dapat laging isinasa-alang-alang ang kabataan. May limitasyon ang lahat kahit ang kalayaang kanilang sinasabi.

Matatalino tayong mga Pilipino, hindi na kailangan pang linawin sa blog na ito kung BAKIT laging kailangang i-consider ang mga BATANG MANONOOD.

No comments: