Mainit ang pangalan ni Tito Sen ngayon dahil sa plagiarism issue. Marami nang komento
ang naglabasan ngunit hindi ito ang tatalakayin ko sa ngayon.
Sa totoo lang dismayado ako sa kanya sa pagboto nya against Former CJ Renato Corona noong
nakaraang Impeachment Trial – pumabor sya sa kagustuhan ng isang ‘malaking
tao’. Napapaisip tuloy ako sa ngayon, bakit nagigisa si Tito Sen ngayon at tila
naiipit/nagigipit? Hindi kaya dahil kumukontra na sya ngayon sa isang ‘malaking
tao’? Kasi nama’y pabor ang ‘taong’ ito sa isang pinagdedebatehang issue at sya nama’y hindi.
Sayang talaga sya. Isa pa naman ako sa bumoto sa kanya pero
hindi ko sya binoto dahil sa siya si TITO SOTTO. Binoto ko sya dahil sa kapatid
nyang si Vic. Aminin na nating lahat, hindi sya binoboto ng tao dahil sa s’ya
ay s’ya (siguro yung mga ngayon-ngayon na lang kasi nakilala na sya bilang
senador at tagapaglingkod noon sa, kundi ako nagkakamali, Quezon City).
Masakit mang tanggapin ibinoboto lang sya ng tao dahil sa
kapatid nyang si Vic.
Sa isyung dapat ay umalis na sya sa Philippine Longest Running Noontime Show na Eat… Bulaga!, dapat matagal na nyang ginawa iyon, bago pa dumating
ang isyung plagiarism. Hindi rason na
nakatutulong sya sa tao, sa halip, dahilan ito lalo upang lisanin nya ang EB.
Bakit ka nyo?