Nasusubaybayan ko ang episodes
ng Protégé at Inside Protégé. Una pa lang na nakita ko si Ruru Madrid, mula sa
Mindanao, alam ko na siya ang magiging pambato ko sa competition na iyon bukod sa iba pang ‘kakumpetensya’ nya.
Isa lang ang mabigat kong dahilan, nakikita ko sa kanya ang
sarili ko – yung tipong patpatin pero may ibubuga pagdating sa talento lalo na
sa pag-arte – yun lang hindi pa ako kasing-palad nya na marami na ang
nakatuklas sa galing nyang ito.
Hindi na ako nagtataka kung bakit tutok na tutok sa kanya
ang kanyang mentor na si Phillip
Salvador –alam nya kasing may future
ang batang protégé.
Anu’t anuman ang kalabasan ng kumpetisyon, suportado ko ang
batang ito. Unsolicited advice lang, keep your feet on the ground.
No comments:
Post a Comment