Monday, September 3, 2012

MTRCB’s RATINGS


Hangang-hanga naman ako sa bagong administrasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Matagal na buhat nang maisakatuparan nila ang tamang pag-kaklase ng mga panoorin – para nga naman mapatnubayan nang husto ang kabataan sa kanilang panonood.

Kapag naililipat ko sa ABS-CBN ang channel, nagugulat ako sa dami ng palabas nila na nai-klase sa rating na SPG o Strict Parental Guidance, pero kapag napapanood ko na ang programa, nasasabi kong tama naman pala ang rating nun.

Pero, takang-taka talaga ako sa mga palabas ng GMA7. Kung bakit naman ang karamihan sa kanilang palabas ay puro nasa PG o Parental Guidance lamang. Kung tutuusin, hindi lahat ng palabas ng Siyete ay angkop na mai-klase sa PG. Narito ang ilang halimbawa ng kanilang palabas:




1. My Beloved – pinagbidahan ito nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Natapos at natapos ang kwento, hindi man lang ito nai-rate ng SPG, siguro isa o dalawang gabi nailagay sa ganung rate at pagkatapos ay laging PG na.

2. Kasalanan Bang Ibigin Ka? – isa pa ito sa natapos na eh, PG lang ang rating. Kitang-kita naman na pulos KARAHASAN ang ipinakita rito kaya dapat na nasa SPG rate ito.

3. Faithfully – puro gantihan ang laman ng istoryang ito, nangangahulugang maselan ang tema nito at puro karahasan din. Sa madaling sabi, dapat ay SPG ang rate nito.

4. Makapiling Kang Muli – patapos na rin ito, pero tulad ng mga dahilang nabanggit sa ibang palabas ng Siyete sa itaas, ito ay tumutumbas sa rate na SPG.

5. Angel’s Temptation – bukod sa ito ay may temang pagganti, mayroon din itong maseselang eksena particular ang Sekswal na siyang isa sa batayan upang ma-categorize ang programa bilang SPG.

Sa huli, hindi ko naman talaga alam ang tunay na batayan ng MTRCB sa pag-categorize ng mga programa sa telebisyon, gayunman, itinutugma ko lang ang sinasabi nila sa pagre-rate ng programang ipinalalabas.

Nararapat din lamang na bigyan ng second review at maka-ilang ulit na review ang bawat programa lalo na ang sa tatlong naglalakihang istasyon at iba pang local channels.

1 comment:

farravallario said...

Titanium Curling Wand - Titanium Blades
The camillus titanium knife Titanium Blades are a titanium mountain bikes very unique weapon. They are a piece titanium ore of shaving equipment and microtouch trimmer are designed to remove the slightest titanium jewelry for piercings of the blade.