Monday, September 3, 2012

Comment on Tito Sotto


Mainit ang pangalan ni Tito Sen ngayon dahil sa plagiarism issue. Marami nang komento ang naglabasan ngunit hindi ito ang tatalakayin ko sa ngayon.

Sa totoo lang dismayado ako sa kanya sa pagboto nya against Former CJ Renato Corona noong nakaraang Impeachment Trial – pumabor sya sa kagustuhan ng isang ‘malaking tao’. Napapaisip tuloy ako sa ngayon, bakit nagigisa si Tito Sen ngayon at tila naiipit/nagigipit? Hindi kaya dahil kumukontra na sya ngayon sa isang ‘malaking tao’? Kasi nama’y pabor ang ‘taong’ ito sa isang pinagdedebatehang issue at sya nama’y hindi.

Sayang talaga sya. Isa pa naman ako sa bumoto sa kanya pero hindi ko sya binoto dahil sa siya si TITO SOTTO. Binoto ko sya dahil sa kapatid nyang si Vic. Aminin na nating lahat, hindi sya binoboto ng tao dahil sa s’ya ay s’ya (siguro yung mga ngayon-ngayon na lang kasi nakilala na sya bilang senador at tagapaglingkod noon sa, kundi ako nagkakamali, Quezon City).
Masakit mang tanggapin ibinoboto lang sya ng tao dahil sa kapatid nyang si Vic.

Sa isyung dapat ay umalis na sya sa Philippine Longest Running Noontime Show na Eat… Bulaga!, dapat matagal na nyang ginawa iyon, bago pa dumating ang isyung plagiarism. Hindi rason na nakatutulong sya sa tao, sa halip, dahilan ito lalo upang lisanin nya ang EB.

Bakit ka nyo?


Kasi’y para siyang nandadaya, nandedehado laban sa iba pang pulitiko. Sinuman sa mga pulitiko, walang ganyan (maliban kay Manny Pacquiao na siguro’y naisipang gayahin sya). Ang mga artista-pulitikong may palabas sa telebisyon ay hindi dapat madalas o regular lumalabas sa isang programang nagbibigay tulong sa mga kababayan; dapat sa kanila ay hanggang teleserye lamang o host sa isang educational show tulad ng kay Sen. Bong Revilla.

Hindi na kasi tama. It’s so unfair sa ibang pulitiko. Nagagamit nya ang EB bilang pangkampanya (pre-mature campaign kumbaga na ang labas – palagi kahit malayo pa ang eleksyon). Isa pa’y variety show nga ang EB at madalas na nagpapatawa ang mga tao rito. Sa kanyang kaso, hindi na tugma ang pagmumukha nya sa show. Eh sa EB, walanghiyaan ang mga tao, para tuloy syang kawala-walanghiya.

Hindi ko naman sinasabing bastusin ang hosts ng EB, ang ibig kong sabihin, sila ay hindi humahawak ng mataas na katungkulan sa gobyerno kaya kahit magtutuwad at anupang gawin nila sa show na iyon ay ok lang, ‘di tulad nya. Masyado na syang seryoso, masyado syang mataas. Ang isang tulad nya ay iginagalang at binibigyang respeto.

Given na yung nakatutulong ang EB sa mga kababayan natin, given na kapatid nya si Vic. Tama na yun. Hindi na niya kailangang ipangalangdakan ang mukha nya sa TV. Alam na ng tao yun – isa sya sa haligi at bahagi ng EB.

Pwede namang, kapag may nangangailangan ng tulong tungkol sa problema sa ahensya ng gobyerno, pwedeng sabihin nila Vic na “Sige, ilalapit natin kay Tito Sen yan” at ‘pag nagawa na, pwedeng ipalabas may kasama pang interview mula sa kanya. Yung ganung tipo lang ba ng exposure – hindi regular, hindi halos araw-araw nakikita mo sya sa show na yun, lalo na pag walang session sa Senate.

Bakit ba? Natatakot ba sya? Iniisip ba n’yang ‘pag umalis sya sa show eh wala nang boboto sa kanya? Mali yun. Hangga’t nandyan si Vic, hangga’t ikinakampanya sya ni Vic, iboboto at iboboto sya ng tao dahil alam din naman na nakatutulong sya.

No comments: