Personal na Karanasan
Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, inaabangan namin ang
araw ng Pista ng Itim na Nazareno.
Deboto kami ng Itim na Nazareno pero hindi kami tulad ng iba
na sumusunod pa sa prosisyon, nakikipagbalyahan, nakikipagsipaan at kung
anu-ano pa para lang makahalik at makapagpunas ng panyo. Mahirap na dahil
mahirap ang buhay ngayon, mahirap magpagamot.
Ang ginagawa namin, sa gabi kami pumupunta, kung kailan malapit
nang maibalik ang Poon sa simbahan ng Quiapo. Magsisimba kami, magdarasal at
hihintaying makapasok ang Poon.
Ganito taun-taon ang ginagawa namin. Kasi hindi lang naman
sa araw na iyon kami maaaring makahalik sa Poon, kahit araw-araw ay pwede.
Hindi kailangang makipagtulakan at makipagbalyahan.
Ang ISYU tungkol sa
mga SANTO
Isa lang ang Itim na Poong Nazareno sa aming hinahalikan o
pinupunasan ng panyo. Maging ang ibang imaheng santo ni Jesus o ang Sto. Niño
ay ginagawan namin nang ganoon. Siyempre, KATOLIKO kami eh.
Pero, MAY ILANG RELIHIYON, ilang TAO o grupo ng mga tao ang
KUMUKWESTIYON sa ginagawang ito ng mga Katoliko. Ayon daw sa Bibliya at maging
sa Sampung Utos ng Diyos, IISA lamang ang DIYOS kung kaya’t HINDI maaaring
SANTUHIN ang IBA; HINDI dapat GUMAWA ng DIYOS-DIYOSAN.